Pages

Wednesday, 20 June 2012

HOW DO YOU TEACH YOUR HEART TO FORGET THE ONE YOU TRULY LOVE WHEN YOU ARE ALREADY COMMITTED TO SOMEONE ELSE?



minsan nakakagawa ako ng isang blogs/notes hindi lang dahil masaya ako o nasasaktan ako. minsan nakakagawa ako neto dahil na iinspire ako ng ibang tao. naiinspire ako sa mga napagdaanan/napapagdaanan nila sa buhay.

itong ginawa ko ngayon ay para sa isang taong malapit sakin. hindi lang basta malapit,
itong taong to ang isa sa mga naging sandalan ko ng mga panahong kailangan ko ng kaibigan. anyhoo, you might find this blog a bit boring (siguro to those who can’t relate on this blog, i guess? Hehe)

HERE:

I have always believed that everything that happens in our lives, good or bad, they happen for a reason.

Pinahihintulutan ni god na mangyare ang mga bagay na ito hindi para saktan tayo, kundi para imulat ang mga mata natin sa tamang daan na dapat nating tahakin.

Hindi niya ito ginagawa para pahinain niya ang loob natin, kundi para patatagin natin ang pananalig natin sa kanya.

You have shared the beautiful relationship with her.
Lubos ang pagtitiwala at pagmamahal niyo sa isat isa kaya naman napanatili niyong matibay ang ilang taon niyong relasyon.

Pero nung kinailangan mo ng pumili na pakasalan ang isang tao o ituloy ang relasyon mo sa isa ay nahirapan ka, dahil mas binigyan mo ng pagpapahalaga ang mga pangarap mo at ng pamilya mo kesa sa kanya.

I believed in honesty in relationships. Naging tapat ka sa kanya sa lahat ng bagay at hindi dahil sa pumayag siyang magpakasal ka ay ibig sabihin neto ay sang ayon siya sa gagawin mo.
Pumayag siya kasi mahal ka niya, at gusto niyang matupad mo ang mga pangarap mo, kahit parang hinihiwa ang puso niya sa pagpapakasal mo sa isang tao na alam naman niyang mas mahal mo siya.

Ayokong sabhin sayo that you married him for the wrong reason, dahil ginawa mo lang ito para maiayos ang istado niyo.

Ayoko rin namang sabihin sayo na dapat yung isa ang pinili mo, dahil alam naman natin na dapat hindi ito ang dapat mong gawin.

God allowed this to happend to make you realize that you should love the one you are with and stop thinking of someone who should be happy without you.

Forgive yourself for hurting her, at patawarin mo narin siya sa mga iginanti niya sayo.
Hindi ito ang panahon para sisihin ang isat isa, o isumbat kung ano ang dapat mangyare.

This happened because you are destined to be with your husband and she’s destined to be happy with her own girl.
Kung ano man ang nakalipas sa inyo, ay iwanan mo nalang sa nakalipas.


Love your husband and be faithful to him. Give your heart to him and to him alone.
Hayaan mong tulungan ka ng panahon para pagalingin ang sakit ng pagkakalayo niyong dalawa.

Trust at god has he’s own plans for her and she would find her own happiness even without you. And god will heal your own brokenness.

The pain that you’re feeling right now, will make you a better person.
Let the love you lost in her, grow a hundred fold in your marriage with him.

Time will heal the wounds of your heart, and in time you will remember her with the smile in your face and you would be thankful because you know you are where you should truly be, with the man who loves you, and the man you’re destined to love and to be with for the rest of your life.








Tuesday, 19 June 2012

HOW DO YOU MOVE ON AND TRULY LET GO?


It’s true that acceptance is the first step to moving on. But I have always believed that we can never forget the person we love.

You must have accepted that she/he doesn’t love you anymore. But have you really ask yourself, if you feel the same way?

I guess you really haven’t gotten over your feelings for her/him.
Your love is the chain that keeps you bound to your past.
At habang andun yung pagmamahal na yon, na umaapoy sa puso mo, ay hindi mo makakalimutan yung taong yon.

It’s true that the acceptance is the first step, and acceptance will put one foot forward to the road of recovery. But the only way to move on completely is to get the other foot out from the love that binds your heart to her/him.

Sa tuwing umiiyak ka pag naaalala mo siya, ay dinadagdagan mo ang baga ng apoy sa puso mo.
Tuwing nalulungkot ka at naiisip mo yung mga masasayang sandali na pinagsamahan niyo, ay lalo mong dinadagdagan ang apoy.

As long as that there’s, that emotion, that fire burning inside your heart, you will never be at peace with yourself.

Marami sa atin ang merong mga nakalipas, that reminds us of the beautiful memories that we wish would come back to life.
But the difference between those who have found real happiness, and those who are tirelessly searching for it, lies in their ability to stop living in their past and wishing for things that could have been.

Ang tunay na masasayang tao, ay yung mga taong tinanggap na ang hatol ng nakaraan at pinatawad na ang mga sarili nila sa pagiging bahagi neto.

Kapag tayo ay nagmahal at nabigo, we have to greed for a while and then learn to stop loving that person.

Only when we are able to do that, can we open our hearts a new and learn to love again without having to be burden by the guilt and the regrets of the past

Monday, 18 June 2012

DONT BE TOO SELFISH



Minsan tinatanong natin ang mga sarili natin, why do we meet the people of the wrong time? And why do we fall in love with them for the wrong reasons? Bakit kailangan mawala ang pagmamahal natin sa isang taong nagmamahal satin?

These are questions we probably will never find answers to.
Alam mo lahat ng relasyon ay laging may pinagdadaanang pagsubok, dahil ito lang ang paraan para patatagin ito.

Unfortunately,those who have built their roots on shallow browns ay mahilig at malimit nahuhulog at nadarapa.

They probably do not love enough to able to hold on, kung minsan naman ay sadyang mahina lang sila sa tukso.

Pag may pagpapahalaga tayo sa damdamin ng isang tao ay dapat iwasan nating gumawa ng mga bagay na makakasakit sa damdamin nila.

When we are passionately and romantically in love with another person, minsan nagiging selfish tayo at pansarili lang natin ang ating iniisip. Wala tayong pakielam kahit alam nating may ibang tao tayong sinsaktan.

There are married man who jump into the opportunity of a having an affair with women na willing makipag relasyon kahit na sila ay mistress o kabit lang.

I know how it feels, alam ng iba sa atin yung pakiramdam kapag nasa gantong sitwasyon, pero hindi natin sila pwedeng sisihin sa pinasok nilang sitwasyon.

Pero para sakin hindi na kailngan ituloy pa yung pakikipag relasyon sa iba habang committed ka. There is no point. Your love for that person was tested to the limits, and you have failed it. Hindi dahil sa ginusto mo, but probably because it was just not meant to happen.

Walang pwedeng mag wagi sa “love triangle”, may makakasakit at may masasaktan.
You just have to be honest with your partner, even if the truth will hurt him/her, and even if you lose him/her forever.

Subukan mong ilagay ang sarili mo sa lugar ng  nasaktan/niloloko ng partner, maniwala ka, you will never find the words to express the pain at ipagdadasal mo na wag sanang mangyari sayo yon.

Life is what we make it. Ang mga bagay na gagawin natin ngayon ang maghahatol sa uri ng buhay na magkakaron tayo bukas.
Sa mga sandaling ito ay wag lang sana puso ang pairalin natin.
Hindi tayo tunay na magiging masaya kung ang kapalit neto ay pagdurusa ng ibang tao.

I pray and I hope that one day makita mo ang taong nararapat  para sayo sa isang pagmamahalan na walang sinasaktan, sa isang samahan na patas at walang tinatapakan.
Sa isang pag ibig na tunay at hindi makasarili.

Sunday, 17 June 2012

DONT EXPECT TOO MUCH


Hindi masakit magpakita ng pagmamahal at pagtingin sa isang tao, ang masakit ay kapag naghintay tayo ng kapalit na pagmamahal at pag tingin na hindi naman niya maibibigay satin.
Not because someone has failed us in love means we are a failure. The only person who can break you is yourself.
That feeling of defeat is only in your mind, you are not broken, and you will not crippled for life.


Sa paglipas ng panahon lahat ng sugat ng pagmamahal ay gumagaling ng kusa.
Yung mga ayaw lang bumitaw ang nagiisip na wala na silang makikitang makakapalit sa taong minamahal nila.

Maybe they cannot find someone to take their place, but they can definitely find someone who deserves their love.

Kapag sobrang inlove tayo sa isang tao ay binibigyan natin ng kahulugan ang bawat kilos nila, pinaniniwala natin ang ating mga sarili na may gusto rin sila satin at iba ang binibigay na atensyon satin, pero sa taong yon kaibigan lang pala ang pagtingin satin.

Action speaks louder than words, but when there are no words, actions can mean a thousand meanings and we can always misinterpret them.

If she/he never said I love you, then maybe she/he never really did feels something deeper than friendship. A touch, a hug, and embrace doesn’t always spell love in a romantic sense. It could just be an expression of longing and caring for someone.
Totally different from real love

You have made up a world we’re she/he loved you the way you loved her/him.
But it is a world that existed only in your mind. You have to be true to yourself and find your place in this real world.

You have to believe that you can stand up again because there is a reason to.
Nagmahal ka at nasaktan pero hindi dapat tumigil ang mundo mo dito.
Everyone deserves to be happy. Everyone deserves to be loved.


KELAN BA PWEDENG MAGING TAMA ANG ISANG BAGAY NA BAWAL?


Ang pinaka mahirap hilingin sa sarili natin na gawin ay ang iwanan at talikuran ang taong minamahal natin. Even if we are suffering in pain, our love will always have its way of making up for all the hurt.

It’s true that love can be very very stubborn, hindi ito nakikinig sa tamang paliwanag, nakikipag talo ito kung ano ang mali at tama, pero sinusunod lamang ng bulag na pag ibig ay kung ano lang ang gusto ng puso neto. At minsan ang gusto natin ay hindi tama.

Love can go against the world na walang pakielam sa anuman ang kahihitnan neto.
Remember the kind of life we live is based on the choices we make today.
Our happiness is a product of how selfless or how selfish we have been in making these choices.

Lagi kong sinasabi na hndi masama ang magmahal sa isang tao, pero pag ang damdaming ito ay lumagpas na sa guhit ng kung ano ang tama at nararapat, then this love becomes the consuming passion that lessens our chances of finding true peace and happiness.

hindi magtatagal darating ang panahon na ang maniniwala nalang sa pinaglalaban mo ay ang iyong sarili at wala ng iba.
I honestly believe that you deserve to be happy in the arms of a person who would love you and you alone.


HOW DO WE MOVE ON IF THE ONE WE TRULY LOVE DOESNT LOVE US ANYMORE?



Pano nga ba ang gagawin natin kung ang taong mahal natin ay ayaw na satin at hindi na tayo mahal?
Alam ko kung gaano kasakit kapag iniwan tayo ng taong mahal natin. Minsan sobrang sakit gusto na natin mamatay, pero alam mo kahit gaano kasakit ang ginawa sa atin, o gaano kalungkot ang buhay natin ay walang tamang dahilan para magisip tayo na saktan ang sarili natin, o mag isip ng mga bagay na hindi maganda.

Maraming tao ang hindi nila naiisip na para mahalin sila ng iba, kailangan muna nilang isipin na dapat mahalin nila ang kanilang mga sarili.

It is sad to think that sometimes there are some who will realize this too late.
People do irrational things when someone they sincerely love purposely hurt them.

Pag sinaktan tayo ng taong mahal natin kung ano ano ang naiisip nating gawin. Minsan ay lihis na sa tama at wala na sa tamang katwiran

Kung ano man ang gawin natin ay hindi na makakapag pabalik sa kanila.
This doesn’t change anything. Nor does it make a difference for those who dont care about us.

Ginagawa lang nating biktima ang ating mga sarili, ng ating pagiging desperado at nahuhulog tayo sa balon ng ating kalungkutan.

You have cried enough. Wag mo na sana sayangin ang mga luha mo. The person you are shedding your tears, don’t deserve it. Be strong and don’t allow failure to take away your hope and finding happiness in your life.

Alam mo may dahilan kung bakit pinapahintulutan ni god na mangyari ang bagay na to sa buhay natin. They maybe painful but they are all meant to make you stronger and a better person.
There is life even after several failed relationships. There is hope even if all your efforts in finding the right person have failed.

Be strong in your faith, because good things come to those who believe and strive to be happy inspite of the pain that lingers in their hearts. Love yourself and love will find you.

Lagi natin tatandaan na ang pagsubok ay siyang nakakapag patibay ng pagka tao natin, ito ang nagbibigay satin ng lakas para harapin ang bukas ng may pag asa at paniniwala na may tunay na tao na magmamahal satin sa kabila ng lahat ng kabiguan na pinagdaanan natin sa ating buhay.

FORGIVE AND FORGET



Kapag tayo’y sinaktan ng taong mahal natin, yung sakit na dulot neto ay tumutusok sa ka- loob looban ng puso natin, we are ranged with hatred, and harbour nothing but anger, ang nakakalungkot dito ay pag nawala na yung galit, ang pumapalit naman ay yung pride natin.

Sometimes a hurt ego takes a lifetime longer to heal. And this usually gets in the way of a peaceful reconciliation if our efforts would lead to it at all.
Kalimitan ay nahihirapan tayo dahil ang nangingibabaw satin ay pride, kasi lubusan kang nasaktan at ang puso nating puno ng galit.
Pwedeng  habang buhay mong sisihin yung taong minahal mo na nakasakit sayo, but that wouldn’t change anything anymore.

Walang anumang pagsisisi ang maaaring makapagbalik ng nakalipas at makapag bigay sayo ng kapangyarihan at kakayahan para baguhin ang nakaraan.
You can never find rest, until you finally let go of the hatred in your heart.
Don’t live all your life cursing that person for hurting you. Kung sinabi na niya sayo ang totoo, at humingi na siya ng tawad sayo, ibaon mo na sana sa limot ang nakaraan at turuan mo ang puso mo na  magpatawad.

Remember, there is no perfect partner. Kahit na maingat na tao ay nadadapa din sa maliit na bato.
If you still love that person, then don’t be too hard on him/her, I think its just fair to give him/her another chance, para patunayan niya sayo na ikaw talaga ang mahal niya at pinagsisisihan niya ang nagawa niya sayo.

We can only appreciate the beauty of a rose when we hold it, and just like this flower, there is no relationship so beautiful that we can have without the price.
Ang lahat ng mga taong nagmamahal ay laging dumadaan sa pagsubok ng panahon. Love will always have a way of putting us to the test.

You may never be given this chance again, lagi natin tandaan na kung hindi tayo magpapatwad, ay hindi tayo magiging masaya. Dahil habambuhay mananatili ang puso natin na puno ng galit at pagsisisi.

Kung hindi tayo muling magtitiwala ay hindi tayo matututong magmahal muli.
We will get hurt by the people we love, but love always forgives. And the real meaning of this feeling is being able to continue to love a person at times when we cannot find the reason to love him/her anymore.

Saturday, 16 June 2012

WHAT TRUE LOVE MEANS


Love isn’t when you can’t sleep … it’s when you want to keep your eyes open…
Love isn’t when you keep holding on … it’s when you learn to let go …
Love isn’t when you kill yourself with jealousy … it’s when you understand …
Love isn’t’ when you fall for someone … it’s when you catch that person when she falls…
Love isn’t when you see her everywhere … it’s when you close your eyes and she is still there …Love isn’t when you tell her what you feel … it’s when you give
Everything for her sake…And Love isn’t when you think you were blind … it’s when you know she was wrong but you didn’t mind!

Tuesday, 12 June 2012

PAST IS PAST



Minsan hindi dapat tayo sobrang bitter sa mga ex natin. Palagi silang may puwang sa puso natin, kumbaga peklat na hindi na matanggal kahit na gamitan pa ng anumang ointment na nagkalat diyan. 
Yan na yan eh, andyan na yan. Nangyari na ang mga hindi inaasahan. Hindi dapat sila dapat siraan. Gusto mo bang iparating sa tao na nagmahal ka ng isang walang kwentang tao? Eh in the first place minahal mo naman ito? 

Dapat yung galit sa kanila/kanya binabawasan mo na. Siguro napakadaling sabihin nito dahil ibat-iba naman tayo ng karanasan kung paano tayo iniwan, paano tayo nang-iwan. Masaya man ibalik ang mga nakaraan pero andun na tayo sa puntong kailangan ng paghilumin ang mga sugat. Hindi pa huli ang lahat para maging magkaibigan. 

Minsan, hanapin natin yung positive side ng break-ups. Andun yung part na minsan sa buhay natin natuto tayong lumaban, natuto tayong ipaglaban yung ating mga nararamdaman. Natuto tayo mag reason out kung ano sa tingin natin ay tama. At higit sa lahat, nagkaroon ka ng tiyansa na ayusin ang isang naghihingalong relasyon.

After ng lahat ng yan.. Yung mga nararanasan mong sakit sa mga relasyon mong nawala? Magagamit mo in the future yan eh. Mas matalino, mas mapagmahal, mas mature way of pag-iisip kapag nasa relasyon at napakarami pang iba.
Kaya oras na. Para paghilumin. At tanggapin na ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin…ay may dahilan.